3Iyan ang dahilan kung bakit hindi umuulan sa panahon ng tag-ulan. Ngunit sa kabila nito, matigas pa rin ang iyong ulo gaya ng babaeng bayaran na hindi na nahihiya.
4At ngayon sinasabi ninyo sa akin, ‘Ama ko, kayo po ay kasama ko mula noong bata pa ako.
5Palagi na lang ba kayong galit sa akin? Hanggang kailan pa po ba kayo magagalit sa akin?’ Ito ang sinasabi ninyo, ngunit inyo namang ginagawa ang lahat ng masamang magagawa ninyo.”
6Noong panahon ng paghahari ni Josias, sinabi sa akin ng Panginoon, “Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Sumamba siya sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Para siyang babaeng nangangalunya.
7Akala ko, pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ito, babalik na siya sa akin, pero hindi siya bumalik. At nakita ito ng taksil niyang kapatid na walang iba kundi ang Juda.