6Noong panahon ng paghahari ni Josias, sinabi sa akin ng Panginoon, “Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Sumamba siya sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Para siyang babaeng nangangalunya.
7Akala ko, pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ito, babalik na siya sa akin, pero hindi siya bumalik. At nakita ito ng taksil niyang kapatid na walang iba kundi ang Juda.
8Ibinigay ko sa Israel ang katibayan ng diborsyo at pinalayas ko siya dahil sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ngunit sa kabila nito, nakita ko ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi man lang natakot. Nangalunya rin siya
9sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga diyos-diyosan.
10At ang pinakamasama pa, hindi taos-pusong bumalik sa akin ang taksil na Juda. Pakunwari lang ang pagbabalik-loob niya sa akin,” sabi ng Panginoon.