Jeremias 30

Nakalimutan na kayo ng mga kakampi ninyong bansa, ang mga nagmahal sa inyo dati; hindi na nila kayo pinapansin. Sinalakay ko kayo gaya ng pagsalakay ng kaaway. Matindi ang parusa ko sa inyo dahil malaki at marami ang inyong kasalanan.

Jeremiah 30:14 (UKJV) All your lovers have forgotten you; they seek you not; for I have wounded you with the wound of an enemy, with the chastisement of a cruel one, for the multitude of yours iniquity; because your sins were increased.

12Sinabi pa ng Panginoon: “Talagang malubha na ang inyong mga sugat at hindi na ito gagaling.

13Wala nang makakatulong o makakagamot sa inyo. Wala nang lunas para sa inyo.

14Nakalimutan na kayo ng mga kakampi ninyong bansa, ang mga nagmahal sa inyo dati; hindi na nila kayo pinapansin. Sinalakay ko kayo gaya ng pagsalakay ng kaaway. Matindi ang parusa ko sa inyo dahil malaki at marami ang inyong kasalanan.

15Huwag kayong dadaing na hindi na gumagaling ang sugat ninyo. Pinarusahan ko kayo dahil napakatindi at napakarami ng inyong kasalanan.

16“Ngunit ipapahamak ko rin ang lahat ng magpapahamak sa inyo, at ang lahat ng inyong kaaway ay bibihagin. Sasalakayin din ang lahat ng sumalakay sa inyo at sumamsam ng mga ari-arian ninyo, at sasamsamin din ang mga ari-arian nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.