Jeremias 31

Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kapag naibalik ko na sila mula sa pagkakabihag muling sasabihin ng mga taga-Juda, ‘Pagpalain nawa ng Panginoon ang banal na bundok ng Jerusalem, ang maunlad na lungsod na tinitirhan niya.’

Jeremiah 31:23 (UKJV) Thus says the LORD of hosts, the God of Israel; As yet they shall use this speech in the land of Judah and in the cities thereof, when I shall bring again their captivity; The LORD bless you, O habitation of justice, and mountain of holiness.

21“Maglagay kayo ng mga tanda at tulos na magiging gabay sa inyong daan. Tandaan ninyong mabuti ang inyong dinaanan dahil diyan din kayo dadaan pagbalik ninyo sa inyong bayan, Israel.

22Kailan pa kayo babalik sa akin, mga anak kong naliligaw? Gagawa ang Panginoon ng bagong bagay sa mundo, ang babae na ang magtatanggol sa lalaki.”

23Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kapag naibalik ko na sila mula sa pagkakabihag muling sasabihin ng mga taga-Juda, ‘Pagpalain nawa ng Panginoon ang banal na bundok ng Jerusalem, ang maunlad na lungsod na tinitirhan niya.’

24Maninirahan ang mga tao sa Juda at sa mga bayan nito, pati na ang mga magbubukid at mga pastol ng mga kawan.

25Sapagkat pagpapahingahin ko ang mga napapagod at bubusugin ko ang mga nanghihina dahil sa gutom.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.