Jeremias 31

Kailan pa kayo babalik sa akin, mga anak kong naliligaw? Gagawa ang Panginoon ng bagong bagay sa mundo, ang babae na ang magtatanggol sa lalaki.”

Jeremiah 31:22 (UKJV) How long will you go about, O you backsliding daughter? for the LORD has created a new thing in the earth, A woman shall compass a man.

20Sumagot ang Panginoon, “Kayong mga mamamayan ng Efraim ay aking minamahal na mga anak. Kahit palagi akong nagsasalita laban sa inyo, nalulugod pa rin ako sa inyo. Nananabik ako at nahahabag sa inyo.

21“Maglagay kayo ng mga tanda at tulos na magiging gabay sa inyong daan. Tandaan ninyong mabuti ang inyong dinaanan dahil diyan din kayo dadaan pagbalik ninyo sa inyong bayan, Israel.

22Kailan pa kayo babalik sa akin, mga anak kong naliligaw? Gagawa ang Panginoon ng bagong bagay sa mundo, ang babae na ang magtatanggol sa lalaki.”

23Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kapag naibalik ko na sila mula sa pagkakabihag muling sasabihin ng mga taga-Juda, ‘Pagpalain nawa ng Panginoon ang banal na bundok ng Jerusalem, ang maunlad na lungsod na tinitirhan niya.’

24Maninirahan ang mga tao sa Juda at sa mga bayan nito, pati na ang mga magbubukid at mga pastol ng mga kawan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.