Jeremias 32

na ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang mga kasulatang natatakan at hindi natatakan, at ilagay mo sa palayok upang hindi ito masira at upang tumagal ito ng mahabang panahon.

Jeremiah 32:14 (UKJV) Thus says the LORD of hosts, the God of Israel; Take these evidences, this evidence of the purchase, both which is sealed, and this evidence which is open; and put them in an earthen vessel, that they may continue many days.

12At ibinigay ko ito kay Baruc na anak ni Nerias na apo ni Maaseias, sa harap ni Hanamel at ng mga saksi na pumirma sa mga kasulatang ito, at sa harap ng lahat ng Hudyo na nakaupo sa himpilan ng mga guwardiya.

13At sa harap nilaʼy sinabi ko kay Baruc

14na ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang mga kasulatang natatakan at hindi natatakan, at ilagay mo sa palayok upang hindi ito masira at upang tumagal ito ng mahabang panahon.

15Sapagkat darating ang araw na muling magbibilihan ng mga ari-arian ang mga tao sa lugar na ito. Magbibilihan sila ng mga bahay, mga bukid, at mga ubasan. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.”

16Pagkatapos kong maibigay ang kasulatan kay Baruc na anak ni Nerias, nanalangin ako sa Panginoon:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.