13At sa harap nilaʼy sinabi ko kay Baruc
14na ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang mga kasulatang natatakan at hindi natatakan, at ilagay mo sa palayok upang hindi ito masira at upang tumagal ito ng mahabang panahon.
15Sapagkat darating ang araw na muling magbibilihan ng mga ari-arian ang mga tao sa lugar na ito. Magbibilihan sila ng mga bahay, mga bukid, at mga ubasan. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.”
16Pagkatapos kong maibigay ang kasulatan kay Baruc na anak ni Nerias, nanalangin ako sa Panginoon:
17O Makapangyarihang Panginoon, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.