Jeremias 32

Ipinapakita nʼyo ang pag-ibig nʼyo sa libu-libo, pero pinarurusahan nʼyo ang mga anak dahil sa kasalanan ng mga magulang nila. O kay dakila po ninyo O Diyos, ang pangalan ninyo ay Panginoon ng mga Hukbo.

Jeremiah 32:18 (UKJV) You show loving kindness unto thousands, and recompence the iniquity of the fathers into the bosom of their children after them: the Great, the Mighty God, the LORD of hosts, is his name,

16Pagkatapos kong maibigay ang kasulatan kay Baruc na anak ni Nerias, nanalangin ako sa Panginoon:

17O Makapangyarihang Panginoon, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.

18Ipinapakita nʼyo ang pag-ibig nʼyo sa libu-libo, pero pinarurusahan nʼyo ang mga anak dahil sa kasalanan ng mga magulang nila. O kay dakila po ninyo O Diyos, ang pangalan ninyo ay Panginoon ng mga Hukbo.

19Napakaganda po ng mga plano nʼyo at kahanga-hanga ang mga gawa ninyo. Nakikita nʼyo ang lahat ng ginagawa ng mga tao at ginagantihan nʼyo po sila ayon sa mga pag-uugali at gawa nila.

20Nooʼy gumawa kayo ng mga tanda at kababalaghan doon sa Ehipto, at hanggang ngayon ay patuloy nʼyo po itong ginagawa hindi lang sa gitna ng mga Israelita pati rin sa buong mundo. At sa pamamagitan nito, naging tanyag po kayo sa lahat ng dako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.