Jeremias 32

Nooʼy gumawa kayo ng mga tanda at kababalaghan doon sa Ehipto, at hanggang ngayon ay patuloy nʼyo po itong ginagawa hindi lang sa gitna ng mga Israelita pati rin sa buong mundo. At sa pamamagitan nito, naging tanyag po kayo sa lahat ng dako.

Jeremiah 32:20 (UKJV) Which have set signs and wonders in the land of Egypt, even unto this day, and in Israel, and among other men; and have made you a name, as at this day;

18Ipinapakita nʼyo ang pag-ibig nʼyo sa libu-libo, pero pinarurusahan nʼyo ang mga anak dahil sa kasalanan ng mga magulang nila. O kay dakila po ninyo O Diyos, ang pangalan ninyo ay Panginoon ng mga Hukbo.

19Napakaganda po ng mga plano nʼyo at kahanga-hanga ang mga gawa ninyo. Nakikita nʼyo ang lahat ng ginagawa ng mga tao at ginagantihan nʼyo po sila ayon sa mga pag-uugali at gawa nila.

20Nooʼy gumawa kayo ng mga tanda at kababalaghan doon sa Ehipto, at hanggang ngayon ay patuloy nʼyo po itong ginagawa hindi lang sa gitna ng mga Israelita pati rin sa buong mundo. At sa pamamagitan nito, naging tanyag po kayo sa lahat ng dako.

21Sa pamamagitan ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay, at sa kapangyarihan nʼyo, natakot po ang mga taga-Ehipto at pinalaya nʼyo ang mamamayan nʼyong mga Israelita sa Ehipto.

22Ibinigay po ninyo sa kanila ang maganda at masaganang lupain na siyang ipinangako nʼyong ibibigay sa kanilang mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.