19Napakaganda po ng mga plano nʼyo at kahanga-hanga ang mga gawa ninyo. Nakikita nʼyo ang lahat ng ginagawa ng mga tao at ginagantihan nʼyo po sila ayon sa mga pag-uugali at gawa nila.
20Nooʼy gumawa kayo ng mga tanda at kababalaghan doon sa Ehipto, at hanggang ngayon ay patuloy nʼyo po itong ginagawa hindi lang sa gitna ng mga Israelita pati rin sa buong mundo. At sa pamamagitan nito, naging tanyag po kayo sa lahat ng dako.
21Sa pamamagitan ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay, at sa kapangyarihan nʼyo, natakot po ang mga taga-Ehipto at pinalaya nʼyo ang mamamayan nʼyong mga Israelita sa Ehipto.
22Ibinigay po ninyo sa kanila ang maganda at masaganang lupain na siyang ipinangako nʼyong ibibigay sa kanilang mga ninuno.
23Naging kanila po ito pero hindi sila sumunod sa inyo o sa mga kautusan nʼyo, at hindi nila ginawa ang ipinapagawa nʼyo sa kanila. Kaya pinadalhan nʼyo sila ng kapahamakan.