20Ibibigay ko sila sa mga kaaway nila na nagnanais pumatay sa kanila. At magiging pagkain ng mga ibon at mababangis na hayop ang mga bangkay nila.
21“Ibibigay ko si Haring Zedequias ng Juda at ang mga pinuno niya sa mga kaaway nila na mga sundalo ng hari ng Babilonia na gustong pumatay sa kanila. Bagamaʼt tumigil na sila sa pagsalakay sa inyo,
22uutusan ko sila na muli kayong salakayin, sakupin at sunugin, sabi ng Panginoon. Gagawin kong tiwangwang ang mga bayan ng Juda at wala nang maninirahan dito.”