Jeremias 36

Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,

Jeremiah 36:1 (UKJV) And it came to pass in the fourth year of Jehoiakim the son of Josiah king of Judah, that this word came unto Jeremiah from the LORD, saying,

1Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,

2“Kumuha ka ng masusulatan at isulat mo ang lahat ng sinabi ko sa iyo tungkol sa Israel, Juda, at sa lahat ng bansa. Isulat mo ang lahat ng sinabi ko, mula nang una kitang kausapin sa panahon ni Haring Josias hanggang ngayon.

3Baka sakaling magsisi ang mga mamamayan ng Juda kapag narinig nila ang kapahamakang binabalak kong gawin sa kanila at talikuran nila ang masasama nilang ugali. At kapag nangyari ito, patatawarin ko sila sa mga kasamaan at kasalanan nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.