Jeremias 36

“Kumuha ka ng masusulatan at isulat mo ang lahat ng sinabi ko sa iyo tungkol sa Israel, Juda, at sa lahat ng bansa. Isulat mo ang lahat ng sinabi ko, mula nang una kitang kausapin sa panahon ni Haring Josias hanggang ngayon.

Jeremiah 36:2 (UKJV) Take you a roll of a book, and write therein all the words that I have spoken unto you against Israel, and against Judah, and against all the nations, from the day I spoke unto you, from the days of Josiah, even unto this day.

1Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,

2“Kumuha ka ng masusulatan at isulat mo ang lahat ng sinabi ko sa iyo tungkol sa Israel, Juda, at sa lahat ng bansa. Isulat mo ang lahat ng sinabi ko, mula nang una kitang kausapin sa panahon ni Haring Josias hanggang ngayon.

3Baka sakaling magsisi ang mga mamamayan ng Juda kapag narinig nila ang kapahamakang binabalak kong gawin sa kanila at talikuran nila ang masasama nilang ugali. At kapag nangyari ito, patatawarin ko sila sa mga kasamaan at kasalanan nila.”

4Kaya ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias at idinikta sa kanya ang lahat ng sinabi ng Panginoon, at isinulat naman ni Baruc sa nakarolyong sulatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.