Jeremias 36

pumunta siya sa palasyo, doon sa silid ng kalihim, kung saan nagtitipon ang lahat ng mga pinuno. Naroon sina Elisama na kalihim, si Delaias na anak ni Semaias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan, si Zedequias na anak ni Hananias, at ang iba pang mga pinuno.

Jeremiah 36:12 (UKJV) Then he went down into the king's house, into the scribe's chamber: and, lo, all the princes sat there, even Elishama the scribe, and Delaiah the son of Shemaiah, and Elnathan the son of Achbor, and Gemariah the son of Shaphan, and Zedekiah the son of Hananiah, and all the princes.

10Binasa ni Baruc ang mga sinabi ni Jeremias na nakasulat sa nakarolyong sulatan sa Templo ng Panginoon malapit sa silid ni Gemarias na kalihim na anak ni Safan. Ang silid ni Gemarias ay nasa itaas ng bulwagan ng Templo, malapit sa dinadaanan sa Bagong Pintuan.

11Nang marinig ni Micaias na anak ni Gemarias at apo ni Safan ang mensahe ng Panginoon na binasa ni Baruc mula sa kasulatan,

12pumunta siya sa palasyo, doon sa silid ng kalihim, kung saan nagtitipon ang lahat ng mga pinuno. Naroon sina Elisama na kalihim, si Delaias na anak ni Semaias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan, si Zedequias na anak ni Hananias, at ang iba pang mga pinuno.

13Isinalaysay ni Micaias ang lahat ng narinig niya sa binasa ni Baruc sa mga tao mula sa kasulatan.

14Kaya inutusan agad ng mga pinuno si Jehudi na anak ni Netanias at apo ni Shelemia, at apo sa tuhod ni Cushi na puntahan si Baruc at sabihing dalhin niya ang nakarolyong kasulatan na binasa niya sa mga tao, at pumunta sa kanila. Kaya pumunta si Baruc na anak ni Nerias na dala ang kasulatang iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.