11Nang marinig ni Micaias na anak ni Gemarias at apo ni Safan ang mensahe ng Panginoon na binasa ni Baruc mula sa kasulatan,
12pumunta siya sa palasyo, doon sa silid ng kalihim, kung saan nagtitipon ang lahat ng mga pinuno. Naroon sina Elisama na kalihim, si Delaias na anak ni Semaias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan, si Zedequias na anak ni Hananias, at ang iba pang mga pinuno.
13Isinalaysay ni Micaias ang lahat ng narinig niya sa binasa ni Baruc sa mga tao mula sa kasulatan.
14Kaya inutusan agad ng mga pinuno si Jehudi na anak ni Netanias at apo ni Shelemia, at apo sa tuhod ni Cushi na puntahan si Baruc at sabihing dalhin niya ang nakarolyong kasulatan na binasa niya sa mga tao, at pumunta sa kanila. Kaya pumunta si Baruc na anak ni Nerias na dala ang kasulatang iyon.
15Pagdating ni Baruc, sinabi ng mga pinuno, “Maupo ka at basahin mo sa amin ang kasulatan.” Kaya binasa naman ni Baruc ang kasulatan sa kanila.