Jeremias 37

Nang tumakas ang mga sundalo ng Babilonia mula sa Jerusalem dahil sa hukbo ng Faraon,

Jeremiah 37:11 (UKJV) And it came to pass, that when the army of the Chaldeans was broken up from Jerusalem for fear of Pharaoh's army,

9Ito pa ang sinabi ng Panginoon: “Huwag ninyong dayain ang inyong sarili sa pag-aakalang hindi na babalik ang mga taga-Babilonia. Sapagkat tiyak na babalik sila.

10Kahit na matalo nʼyo pa ang buong hukbo ng Babilonia na sumasalakay sa inyo, at ang matitira sa kanila ay ang mga sugatan sa kanilang kampo, sasalakay pa rin sila sa inyo at susunugin nila ang lungsod na ito.”

11Nang tumakas ang mga sundalo ng Babilonia mula sa Jerusalem dahil sa hukbo ng Faraon,

12umalis si Jeremias sa Jerusalem at pumunta sa lupain ni Benjamin upang kunin ang bahagi ng lupain niya na ipinamahagi sa kanyang pamilya.

13Ngunit nang dumating siya sa Pintuang-bayan ng Benjamin, hinuli siya ng kapitan ng mga guwardiya na si Irijas na anak ni Shelemia at apo ni Hananias. Sinabi sa kanya ng kapitan, “Kakampi ka ng mga taga-Babilonia.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.