7Ngunit nang nabalitaan ito ni Ebed-melec na taga-Etiopia na isa ring pinuno sa palasyo, pinuntahan niya ang hari sa palasyo. Nakaupo noon ang hari sa Pintuan ni Benjamin. Sinabi niya sa hari,
9“Mahal na Hari, masama po ang ginawa ng mga taong iyon sa propetang si Jeremias. Inihulog nila siya sa balon, at tiyak na mamamatay siya doon sa gutom, dahil halos mauubos na po ang tinapay sa buong lungsod.”
10Kaya sinabi ni Haring Zedequias kay Ebed-melec na taga-Cush, “Magsama ka ng tatlumpung lalaki mula sa mga tao ko at kunin ninyo ang propetang si Jeremias sa balon bago pa siya mamatay.”
11Kaya isinama ni Ebed-melec ang mga tao at pumunta sila sa bodega ng palasyo, at kumuha ng mga basahan, lumang damit, at lubid at ibinaba nila kay Jeremias ang mga ito roon sa balon.