11Nag-utos si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kay Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya tungkol kay Jeremias. Sinabi niya,
12“Kunin mo si Jeremias at alagaan mo siyang mabuti. Gawin mo ang anumang hilingin niya.”
13Sinunod ito nina Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya, Nebuzazban, Nergal-sarezer at ng iba pang mga pinuno ng hari ng Babilonia.
14Ipinakuha nila si Jeremias doon sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo at ibinigay kay Gedalias na anak ni Ahikam na apo ni Safan, at dinala niya si Jeremias sa kanyang bahay. Kaya naiwan si Jeremias sa Juda kasama ang iba pa niyang mga kababayan.
15Noong si Jeremias ay nakakulong pa sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo, sinabi sa kanya ng Panginoon,