Jeremias 39

Nag-utos si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kay Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya tungkol kay Jeremias. Sinabi niya,

Jeremiah 39:11 (UKJV) Now Nebuchadrezzar king of Babylon gave charge concerning Jeremiah to Nebuzaradan the captain of the guard, saying,

9Sa pangunguna ni Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya, ipinadala sa Babilonia ang mga taong naiwan sa lungsod pati na ang mga taong kumampi kay Nebuzaradan.

10Ngunit iniwan ni Nebuzaradan sa Juda ang ilang mga taong wala kahit anumang ari-arian, at binigyan niya sila ng mga ubasan at bukirin.

11Nag-utos si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kay Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya tungkol kay Jeremias. Sinabi niya,

12“Kunin mo si Jeremias at alagaan mo siyang mabuti. Gawin mo ang anumang hilingin niya.”

13Sinunod ito nina Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya, Nebuzazban, Nergal-sarezer at ng iba pang mga pinuno ng hari ng Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.