8Sa Jerusalem naman, sinunog ng mga taga-Babilonia ang mga bahay pati ang palasyo ng hari, at winasak nila ang mga pader.
9Sa pangunguna ni Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya, ipinadala sa Babilonia ang mga taong naiwan sa lungsod pati na ang mga taong kumampi kay Nebuzaradan.
10Ngunit iniwan ni Nebuzaradan sa Juda ang ilang mga taong wala kahit anumang ari-arian, at binigyan niya sila ng mga ubasan at bukirin.
11Nag-utos si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kay Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya tungkol kay Jeremias. Sinabi niya,
12“Kunin mo si Jeremias at alagaan mo siyang mabuti. Gawin mo ang anumang hilingin niya.”