6Pagkatapos, doon sa Ribla sa harap mismo ni Zedequias, pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedequias, at ang lahat ng pinuno ng Juda.
7At ipinadukot ng hari ang mga mata ni Zedequias at ikinadena siya at dinala sa Babilonia.
8Sa Jerusalem naman, sinunog ng mga taga-Babilonia ang mga bahay pati ang palasyo ng hari, at winasak nila ang mga pader.
9Sa pangunguna ni Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya, ipinadala sa Babilonia ang mga taong naiwan sa lungsod pati na ang mga taong kumampi kay Nebuzaradan.
10Ngunit iniwan ni Nebuzaradan sa Juda ang ilang mga taong wala kahit anumang ari-arian, at binigyan niya sila ng mga ubasan at bukirin.