14Ipinakuha nila si Jeremias doon sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo at ibinigay kay Gedalias na anak ni Ahikam na apo ni Safan, at dinala niya si Jeremias sa kanyang bahay. Kaya naiwan si Jeremias sa Juda kasama ang iba pa niyang mga kababayan.
15Noong si Jeremias ay nakakulong pa sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo, sinabi sa kanya ng Panginoon,
16“Pumunta ka kay Ebed-melec na taga-Etiopia at sabihin mo na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘Gagawin ko na ang mga sinabi ko laban sa lungsod na ito. Hindi ko ito pauunlarin. Wawasakin ko ito. Makikita mo na mangyayari ito.
17Ngunit ililigtas kita sa mga panahong iyon, sabi ng Panginoon. Hindi kita ibibigay sa mga taong kinatatakutan mo.
18Ililigtas kita. Hindi ka mamamatay sa digmaan. Maliligtas ka dahil nagtitiwala ka sa akin,’ ” sabi ng Panginoon.