Jeremias 4

Sinabi ng Panginoon, “O Israel, kung talagang gusto mong magbalik sa akin, manumbalik ka na. Kung itatakwil mo ang mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan at hindi ka na lalayo sa akin,

Jeremiah 4:1 (UKJV) If you will return, O Israel, says the LORD, return unto me: and if you will put away yours abominations out of my sight, then shall you not remove.

1Sinabi ng Panginoon, “O Israel, kung talagang gusto mong magbalik sa akin, manumbalik ka na. Kung itatakwil mo ang mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan at hindi ka na lalayo sa akin,

2at kung susumpa ka sa aking pangalan lamang na nagsasabing, ‘Habang buháy ang Panginoong,’ at mamumuhay nang tapat, matuwid at tama, magiging pagpapala ka sa mga bansa at pararangalan nila ako.”

3Sinabi ng Panginoon sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem: “Tulad ng pagbungkal sa matigas na lupa, bungkalin ninyo ang matigas ninyong puso! Tulad ng pagbunot sa dawag at tinik upang hindi masayang ang binhi, alisin ninyo ang kasalanang sumisira sa inyo. At huwag sayangin ang mabuting binhi sa mga dawag at tinik.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.