9Sinabi ng Panginoon, “Sa araw na iyon, maduduwag ang hari at ang kanyang mga pinuno, masisindak ang mga pari, at mangingilabot ang mga propeta.”
10Pagkatapos, sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nalinlang po ang mga tao sa sinabi nʼyo noon, dahil nangako po kayo na mananatiling payapa ang Jerusalem. Ngunit ang espada pala ay nakahanda nang pumatay sa amin.”
11Darating ang araw na sasabihin ng Panginoon sa mga taga-Jerusalem, “Iihip ang mainit na hangin mula sa ilang patungo sa mga mamamayan ko, pero hindi ito para mahanginan at masala ang kanilang mga trigo.
12Ang malakas na hangin na itoʼy galing sa akin. Sasabihin ko ngayon ang parusa ko sa kanila.”
13Tingnan nʼyo! Dumarating ang kaaway natin na parang mga ulap. Ang mga karwahe niyaʼy parang ipuipo at ang mga kabayo niyaʼy mas mabilis kaysa sa mga agila. Nakakaawa tayo! Ito na ang ating katapusan!