13Tingnan nʼyo! Dumarating ang kaaway natin na parang mga ulap. Ang mga karwahe niyaʼy parang ipuipo at ang mga kabayo niyaʼy mas mabilis kaysa sa mga agila. Nakakaawa tayo! Ito na ang ating katapusan!
14“Mga taga-Jerusalem, linisin ninyo ang kasamaan sa inyong puso upang kayoʼy maligtas. Hanggang kailan kayo mag-iisip ng masama?
15Ang kapahamakan ninyoʼy ibinalita na ng mga mensahero mula sa Dan at ipinahayag sa kabundukan ng Efraim.
16Inutusan silang bigyan ng babala ang mga bansa at ibalita tungkol sa Jerusalem na may mga sundalong sumasalakay mula sa malayong lugar na humahamon ng digmaan sa mga lungsod ng Juda.
17Pinaligiran nila ang Jerusalem na parang mga taong nagbabantay ng bukid, dahil ang Jerusalem ay naghimagsik sa akin,” sabi ng Panginoon.