24Nakita ko ang mga bundok, at ang mga ito ay yumayanig; at ang mga burol ay parang may indayog.
25Nakita ko rin na walang tao at lumilipad ang mga ibon papalayo.
26Nakita ko na ang masaganang bukirin ay naging ilang. Nawasak ang lahat ng bayan dahil sa matinding galit ng Panginoon.
27Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang buong lupain ay mawawasak, pero hindi ko ito lubos na gigibain.
28Iiyak ang sanlibutan at magdidilim ang langit, dahil sinabi ko na ang kaparusahan at hindi ko na ito babaguhin. Nakapagpasya na ako at hindi na magbabago ang isip ko.”