22“Hangal ang aking mga mamamayan ko; hindi nila ako nakikilala. Silaʼy mga mangmang na kabataan at walang pang-unawa. Sanay silang gumawa ng masama ngunit hindi marunong gumawa ng mabuti.”
23Tiningnan ko ang lupain at nakita kong itoʼy wala nang anyo at wala nang laman. At nakita ko ring ang langit ay wala nang liwanag.
24Nakita ko ang mga bundok, at ang mga ito ay yumayanig; at ang mga burol ay parang may indayog.
25Nakita ko rin na walang tao at lumilipad ang mga ibon papalayo.
26Nakita ko na ang masaganang bukirin ay naging ilang. Nawasak ang lahat ng bayan dahil sa matinding galit ng Panginoon.