28Iiyak ang sanlibutan at magdidilim ang langit, dahil sinabi ko na ang kaparusahan at hindi ko na ito babaguhin. Nakapagpasya na ako at hindi na magbabago ang isip ko.”
29Sa ingay ng mga nangangabayo at mamamana, tumakas na sa takot ang mga mamamayan ng bawat bayan. Ang iba ay tumakas sa kagubatan at ang iba ay umakyat sa batuhan. Ang lahat ng bayan ay iniwanan at walang natirang naninirahan sa mga ito.
30Jerusalem malapit ka nang mawasak. Ano ang ginagawa mo? Bakit may suot ka pang magandang damit at mga gintong alahas? Bakit naglalagay ka pa ng mga kolorete sa iyong mga mata? Wala nang kabuluhan ang iyong pagpapaganda. Itinakwil ka na ng iyong mga minamahal na kakamping bansa at gusto ka na nilang patayin.
31Narinig ko ang pag-iyak at pagdaing, na parang babaeng nanganganak sa kanyang panganay. Iyak ito ng mga mamamayan ng Jerusalem na parang hinahabol ang kanilang hininga. Itinataas nila ang kanilang mga kamay at nagsasabing, “Kawawa naman kami; at parang kamiʼy hihimatayin na, sapagkat nariyan na ang aming mga kaaway na papatay sa amin.”