3Sinabi ng Panginoon sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem: “Tulad ng pagbungkal sa matigas na lupa, bungkalin ninyo ang matigas ninyong puso! Tulad ng pagbunot sa dawag at tinik upang hindi masayang ang binhi, alisin ninyo ang kasalanang sumisira sa inyo. At huwag sayangin ang mabuting binhi sa mga dawag at tinik.
4Linisin nʼyo ang inyong mga puso sa harapan ng Panginoon, kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, dahil kung hindi ay mararanasan ninyo ang aking galit na katulad ng apoy na hindi namamatay dahil sa ginawa nʼyong kasamaan.
5“Sabihin mo sa Juda at ipahayag sa Jerusalem: ‘Patunugin ninyo ang trumpeta sa buong lupain!’ Isigaw nang malinaw at sabihin: ‘Magsama-sama at magtipon! Tumakas patungo sa mga napapaderang lungsod!’
6Itaas mo ang bandila at balaan mo ang mga taga-Zion na tumakas agad sila sapagkat magpapadala ako ng kapahamakan mula sa hilaga.”
7Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansa ay parang leon na lumabas sa kanyang lungga. Nakaalis na siya sa lugar niya upang wasakin ang lupain ninyo. Guguho ang mga bayan ninyo at wala nang makakatira sa mga ito.