Jeremias 40

Sinabi nila, “Hindi mo ba alam na isinugo ni Haring Baalis ng Amon si Ismael na anak ni Netanias upang patayin ka?” Ngunit hindi naniwala si Gedalias na anak ni Ahikam sa kanila.

Jeremiah 40:14 (UKJV) And said unto him, Do you certainly know that Baalis the king of the Ammonites has sent Ishmael the son of Nethaniah to slay you? But Gedaliah the son of Ahikam believed them not.

12Kaya bumalik sila sa Juda mula sa ibaʼt ibang lugar na pinangalatan nila at pumunta sila kay Gedalias na anak ni Ahikam sa Mizpa. At nanguha sila ng mga ubas at iba pang mga prutas.

13Pumunta rin kay Gedalias sa Mizpa si Johanan na anak ni Karea at ang iba pang mga opisyal ng mga sundalo na hindi sumuko sa mga taga-Babilonia.

14Sinabi nila, “Hindi mo ba alam na isinugo ni Haring Baalis ng Amon si Ismael na anak ni Netanias upang patayin ka?” Ngunit hindi naniwala si Gedalias na anak ni Ahikam sa kanila.

15Pagkatapos, nakipagkita si Johanan na anak ni Karea kay Gedalias sa Mizpa nang lihim at sinabi niya sa kanya, “Papatayin ko ang anak ni Netanias na si Ismael nang walang sinumang nakakaalam. Huwag natin siyang pabayaan na patayin ka. Kung sakaling mangyari ito, ito ang magiging dahilan upang mangalat at mawala ang mga Hudyong naiwan dito sa Juda na pinamumunuan mo.”

16Ngunit sinabi ni Gedalias na anak ni Ahikam kay Johanan na anak ni Karea, “Huwag mong gawin iyan. Hindi totoo ang sinasabi mo tungkol kay Ismael.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.