Jeremias 41

Si Ismael ay anak ni Netanias at apo ni Elishama. Kabilang siya sa sambahayan ng hari at isa sa mga pinuno ng hari noon. Nang ikapitong buwan ng taong iyon, pumunta si Ismael kasama ang sampung tauhan niya kay Gedalias na anak ni Ahikam sa Mizpa. At habang kumakain sila,

Jeremiah 41:1 (UKJV) Now it came to pass in the seventh month, that Ishmael the son of Nethaniah the son of Elishama, of the seed royal, and the princes of the king, even ten men with him, came unto Gedaliah the son of Ahikam to Mizpah; and there they did eat bread together in Mizpah.

1Si Ismael ay anak ni Netanias at apo ni Elishama. Kabilang siya sa sambahayan ng hari at isa sa mga pinuno ng hari noon. Nang ikapitong buwan ng taong iyon, pumunta si Ismael kasama ang sampung tauhan niya kay Gedalias na anak ni Ahikam sa Mizpa. At habang kumakain sila,

2tumayo si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung kasama niya at pinatay nila si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan sa pamamagitan ng espada. Kaya napatay ang pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain.

3Pinatay din ni Ismael at ng mga tauhan niya ang lahat ng pinuno ng mga Hudyo na nakasama ni Gedalias doon sa Mizpa, pati ang mga sundalo na taga-Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.