Jeremias 41

Tinipon ni Johanan na anak ni Karea at ng mga pinunong kasama niya ang lahat ng bihag ni Ismael na anak ni Netanias mula sa Mizpa, kabilang ang mga kawal, babae, bata at ang mga pinuno sa palasyo na mula sa Gibeon. Ginawa ito pagkatapos na mapatay ni Ismael si Gedalias.

Jeremiah 41:16 (UKJV) Then took Johanan the son of Kareah, and all the captains of the forces that were with him, all the remnant of the people whom he had recovered from Ishmael the son of Nethaniah, from Mizpah, after that he had slain Gedaliah the son of Ahikam, even mighty men of war, and the women, and the children, and the eunuchs, whom he had brought again from Gibeon:

14Silang lahat na bihag ni Ismael mula sa Mizpa ay nagtakbuhan patungo kay Johanan na anak ni Karea.

15Samantala tumakas mula kay Johanan papunta sa Amon ang anak ni Netanias na si Ismael at ang walo niyang kasama.

16Tinipon ni Johanan na anak ni Karea at ng mga pinunong kasama niya ang lahat ng bihag ni Ismael na anak ni Netanias mula sa Mizpa, kabilang ang mga kawal, babae, bata at ang mga pinuno sa palasyo na mula sa Gibeon. Ginawa ito pagkatapos na mapatay ni Ismael si Gedalias.

17At mula sa Gibeon, pumunta sila sa Gerut Kimham malapit sa Bethlehem at tumuloy sa Ehipto.

18Sapagkat natatakot sila sa mga taga-Babilonia dahil pinatay ni Ismael na anak ni Netanias si Gedalias na anak ni Ahikam na pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.