Jeremias 41

Sapagkat natatakot sila sa mga taga-Babilonia dahil pinatay ni Ismael na anak ni Netanias si Gedalias na anak ni Ahikam na pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain.

Jeremiah 41:18 (UKJV) Because of the Chaldeans: for they were afraid of them, because Ishmael the son of Nethaniah had slain Gedaliah the son of Ahikam, whom the king of Babylon made governor in the land.

16Tinipon ni Johanan na anak ni Karea at ng mga pinunong kasama niya ang lahat ng bihag ni Ismael na anak ni Netanias mula sa Mizpa, kabilang ang mga kawal, babae, bata at ang mga pinuno sa palasyo na mula sa Gibeon. Ginawa ito pagkatapos na mapatay ni Ismael si Gedalias.

17At mula sa Gibeon, pumunta sila sa Gerut Kimham malapit sa Bethlehem at tumuloy sa Ehipto.

18Sapagkat natatakot sila sa mga taga-Babilonia dahil pinatay ni Ismael na anak ni Netanias si Gedalias na anak ni Ahikam na pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.