Jeremias 42

Pagkatapos, lumapit kay Jeremias sina Johanan na anak ni Karea, at Jezanias na anak ni Hosaias, at ang kasama nilang opisyal ng mga sundalo, at ang lahat ng mamamayan mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.

Jeremiah 42:1 (UKJV) Then all the captains of the forces, and Johanan the son of Kareah, and Jezaniah the son of Hoshaiah, and all the people from the least even unto the greatest, came near,

1Pagkatapos, lumapit kay Jeremias sina Johanan na anak ni Karea, at Jezanias na anak ni Hosaias, at ang kasama nilang opisyal ng mga sundalo, at ang lahat ng mamamayan mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.

2Sinabi nila sa propetang si Jeremias, “Nakikiusap kami sa iyo, kaming mga natitira, na ipanalangin mo kami sa Panginoon na iyong Diyos. Marami kami noon, pero ngayon kakaunti na lang katulad ng nakikita mo.

3Manalangin ka sa Panginoon na iyong Diyos para sabihin niya sa amin kung saan kami pupunta at ano ang dapat naming gawin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.