Jeremias 42

Sinabi nila sa propetang si Jeremias, “Nakikiusap kami sa iyo, kaming mga natitira, na ipanalangin mo kami sa Panginoon na iyong Diyos. Marami kami noon, pero ngayon kakaunti na lang katulad ng nakikita mo.

Jeremiah 42:2 (UKJV) And said unto Jeremiah the prophet, Let, we plead to you, our supplication be accepted before you, and pray for us unto the LORD your God, even for all this remnant; (for we are left but a few of many, as yours eyes do behold us:)

1Pagkatapos, lumapit kay Jeremias sina Johanan na anak ni Karea, at Jezanias na anak ni Hosaias, at ang kasama nilang opisyal ng mga sundalo, at ang lahat ng mamamayan mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.

2Sinabi nila sa propetang si Jeremias, “Nakikiusap kami sa iyo, kaming mga natitira, na ipanalangin mo kami sa Panginoon na iyong Diyos. Marami kami noon, pero ngayon kakaunti na lang katulad ng nakikita mo.

3Manalangin ka sa Panginoon na iyong Diyos para sabihin niya sa amin kung saan kami pupunta at ano ang dapat naming gawin.”

4Sumagot ang propetang si Jeremias, “Sige, mananalangin ako sa Panginoon na inyong Diyos para sa kahilingan nʼyo, at sasabihin ko sa inyo kung ano ang sinabi niya. Wala akong ililihim sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.