Jeremias 41

Ang balon na pinaghulugan ni Ismael ng mga bangkay ng mga taong pinatay niya, pati na ang bangkay ni Gedalias ay pag-aari ni Haring Asa. Ipinahukay niya ito noong sinalakay sila ni Haring Baasa ng Israel. Ang balon na itoʼy napuno ni Ismael na anak ni Netanias ng mga bangkay.

Jeremiah 41:9 (UKJV) Now the pit wherein Ishmael had cast all the dead bodies of the men, whom he had slain because of Gedaliah, was it which Asa the king had made for fear of Baasha king of Israel: and Ishmael the son of Nethaniah filled it with them that were slain.

7Pagdating nila sa lungsod, ang pitumpu sa kanila ay pinatay ni Ismael na anak ni Netanias at ng mga kasamahan niya. At pagkatapos, inihulog nila ang bangkay ng mga ito sa balon.

8Ang sampu naman ay hindi nila pinatay dahil sinabi nila kay Ismael, “Huwag mo kaming patayin! Ibibigay namin sa iyo ang mga trigo, sebada, langis at pulot namin na nakatago sa bukid.”

9Ang balon na pinaghulugan ni Ismael ng mga bangkay ng mga taong pinatay niya, pati na ang bangkay ni Gedalias ay pag-aari ni Haring Asa. Ipinahukay niya ito noong sinalakay sila ni Haring Baasa ng Israel. Ang balon na itoʼy napuno ni Ismael na anak ni Netanias ng mga bangkay.

10Pagkatapos, binihag ni Ismael na anak ni Netanias ang mga taong natitira sa Mizpa, ang mga anak na babae ng hari at ang mga taong ipinagkatiwala ni Nebuzaradan kay Gedalias na anak ni Ahikam upang alagaan. Pagkatapos, bumalik si Ismael sa Amon na dala ang mga bihag.

11Nabalitaan ni Johanan na anak ni Karea at ng mga kasama niyang opisyal ng mga sundalo ang masamang ginawa ni Ismael na anak ni Netanias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.