Jeremias 41

Ang sampu naman ay hindi nila pinatay dahil sinabi nila kay Ismael, “Huwag mo kaming patayin! Ibibigay namin sa iyo ang mga trigo, sebada, langis at pulot namin na nakatago sa bukid.”

Jeremiah 41:8 (UKJV) But ten men were found among them that said unto Ishmael, Slay us not: for we have treasures in the field, of wheat, and of barley, and of oil, and of honey. So he ceased, and slew them not among their brethren.

6Sinalubong sila ni Ismael na anak ni Netanias na umiiyak mula sa Mizpa. Sinabi niya, “Tingnan ninyo ang nangyari kay Gedalias na anak ni Ahikam.”

7Pagdating nila sa lungsod, ang pitumpu sa kanila ay pinatay ni Ismael na anak ni Netanias at ng mga kasamahan niya. At pagkatapos, inihulog nila ang bangkay ng mga ito sa balon.

8Ang sampu naman ay hindi nila pinatay dahil sinabi nila kay Ismael, “Huwag mo kaming patayin! Ibibigay namin sa iyo ang mga trigo, sebada, langis at pulot namin na nakatago sa bukid.”

9Ang balon na pinaghulugan ni Ismael ng mga bangkay ng mga taong pinatay niya, pati na ang bangkay ni Gedalias ay pag-aari ni Haring Asa. Ipinahukay niya ito noong sinalakay sila ni Haring Baasa ng Israel. Ang balon na itoʼy napuno ni Ismael na anak ni Netanias ng mga bangkay.

10Pagkatapos, binihag ni Ismael na anak ni Netanias ang mga taong natitira sa Mizpa, ang mga anak na babae ng hari at ang mga taong ipinagkatiwala ni Nebuzaradan kay Gedalias na anak ni Ahikam upang alagaan. Pagkatapos, bumalik si Ismael sa Amon na dala ang mga bihag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.