Jeremias 42

Kahahabagan ko kayo. Gagawa ako ng paraan upang kahabagan niya kayo at payagang manatili sa inyong lupain.

Jeremiah 42:12 (UKJV) And I will show mercies unto you, that he may have mercy upon you, and cause you to return to your own land.

10Kung mananatili kayo sa lupaing ito, ibabangon ko kayo at muling itatayo at hindi na ipapahamak. Sapagkat totoong nalungkot ako sa kapahamakang ipinaranas ko sa inyo.

11Huwag na kayong matakot sa hari ng Babilonia, sabi ng Panginoon, sapagkat kasama ninyo ako at ililigtas ko kayo sa kanyang mga kamay.

12Kahahabagan ko kayo. Gagawa ako ng paraan upang kahabagan niya kayo at payagang manatili sa inyong lupain.

13“Ngunit kung ayaw ninyong sundin ang Panginoon na inyong Diyos, at sasabihin ninyo, ‘Hindi kami mananatili sa lupaing ito.

14Pupunta kami sa Ehipto at doon maninirahan dahil doon ay walang digmaan o taggutom.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.