Jeremias 42

Ito ang sasabihin sa inyo ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kayong mga natitirang taga-Juda, kung nagpasya kayong pumunta sa Ehipto at doon manirahan,

Jeremiah 42:15 (UKJV) And now therefore hear the word of the LORD, all of you remnant of Judah; Thus says the LORD of hosts, the God of Israel; If all of you wholly set your faces to enter into Egypt, and go to sojourn there;

13“Ngunit kung ayaw ninyong sundin ang Panginoon na inyong Diyos, at sasabihin ninyo, ‘Hindi kami mananatili sa lupaing ito.

14Pupunta kami sa Ehipto at doon maninirahan dahil doon ay walang digmaan o taggutom.’

15Ito ang sasabihin sa inyo ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kayong mga natitirang taga-Juda, kung nagpasya kayong pumunta sa Ehipto at doon manirahan,

16ang digmaan at taggutom na inyong kinatatakutan ay susunod sa inyo, at doon kayo sa Ehipto mamamatay.

17Ang lahat ng may nais manirahan sa Ehipto ay mamamatay sa digmaan, gutom at sakit. Walang sinuman sa kanila ang makakaligtas o makakatakas sa kapahamakang ipaparanas ko sa kanila.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.