Jeremias 43

Susunugin niya ang mga templo ng mga diyos-diyosan sa Ehipto. Ang ibang mga diyos-diyosan ay masusunog din, at ang iba ay dadalhin niyang bihag. Lilinisin niya ang lupain ng Ehipto katulad ng paglilinis ng pastol ng kanyang damit upang alisin ang mga pulgas. Pagkatapos, aalis si Nebucadnezar na ligtas sa anumang pinsala.

Jeremiah 43:12 (UKJV) And I will kindle a fire in the houses of the gods of Egypt; and he shall burn them, and carry them away captives: and he shall array himself with the land of Egypt, as a shepherd puts on his garment; and he shall go forth from thence in peace.

10Pagkatapos, sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘Susuguin ko ang lingkod kong si Haring Nebucadnezar ng Babilonia at ilalagay ko ang kanyang trono at toldang panghari sa ibabaw ng mga batong ito na ibinaon ko sa lupa sa gitna ng daan.

11Sasalakayin niya ang Ehipto at papatayin niya ang mga itinakdang patayin, at bibihagin niya ang mga itinakdang bihagin. Ang ibaʼy itinakdang mamatay sa digmaan.

12Susunugin niya ang mga templo ng mga diyos-diyosan sa Ehipto. Ang ibang mga diyos-diyosan ay masusunog din, at ang iba ay dadalhin niyang bihag. Lilinisin niya ang lupain ng Ehipto katulad ng paglilinis ng pastol ng kanyang damit upang alisin ang mga pulgas. Pagkatapos, aalis si Nebucadnezar na ligtas sa anumang pinsala.

13Talagang wawasakin niya ang mga haligi ng diyos-diyosan sa Heliopolis sa Ehipto, at susunugin niya ang mga templo ng mga diyos-diyosan doon.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.