11Sasalakayin niya ang Ehipto at papatayin niya ang mga itinakdang patayin, at bibihagin niya ang mga itinakdang bihagin. Ang ibaʼy itinakdang mamatay sa digmaan.
12Susunugin niya ang mga templo ng mga diyos-diyosan sa Ehipto. Ang ibang mga diyos-diyosan ay masusunog din, at ang iba ay dadalhin niyang bihag. Lilinisin niya ang lupain ng Ehipto katulad ng paglilinis ng pastol ng kanyang damit upang alisin ang mga pulgas. Pagkatapos, aalis si Nebucadnezar na ligtas sa anumang pinsala.
13Talagang wawasakin niya ang mga haligi ng diyos-diyosan sa Heliopolis sa Ehipto, at susunugin niya ang mga templo ng mga diyos-diyosan doon.’ ”