Jeremias 43

sinabi sa kanya nina Azarias na anak ni Hosaias, Johanan na anak ni Karea, at ng iba pang mayayabang na lalaki, “Sinungaling ka! Hindi ka isinugo ng Panginoon na aming Diyos, para sabihin sa amin na hindi kami dapat pumunta sa Ehipto upang manirahan doon.

Jeremiah 43:2 (UKJV) Then spoke Azariah the son of Hoshaiah, and Johanan the son of Kareah, and all the proud men, saying unto Jeremiah, You speak falsely: the LORD our God has not sent you to say, Go not into Egypt to sojourn there:

1Nang masabi na ni Jeremias ang lahat ng ipinasasabi ng Panginoon na kanilang Diyos ang tungkol sa kanila,

2sinabi sa kanya nina Azarias na anak ni Hosaias, Johanan na anak ni Karea, at ng iba pang mayayabang na lalaki, “Sinungaling ka! Hindi ka isinugo ng Panginoon na aming Diyos, para sabihin sa amin na hindi kami dapat pumunta sa Ehipto upang manirahan doon.

3Si Baruc na anak ni Nerias ang naghikayat sa iyo na ibigay kami sa mga taga-Babilonia upang patayin nila kami o bihagin.”

4Kaya si Johanan na anak ni Karea at ang mga kasama niyang opisyal ng mga sundalo at ang lahat ng mamamayan ay hindi sumunod sa utos ng Panginoon na manatili sila sa Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.