Jeremias 43

Nang masabi na ni Jeremias ang lahat ng ipinasasabi ng Panginoon na kanilang Diyos ang tungkol sa kanila,

Jeremiah 43:1 (UKJV) And it came to pass, that when Jeremiah had made an end of speaking unto all the people all the words of the LORD their God, for which the LORD their God had sent him to them, even all these words,

1Nang masabi na ni Jeremias ang lahat ng ipinasasabi ng Panginoon na kanilang Diyos ang tungkol sa kanila,

2sinabi sa kanya nina Azarias na anak ni Hosaias, Johanan na anak ni Karea, at ng iba pang mayayabang na lalaki, “Sinungaling ka! Hindi ka isinugo ng Panginoon na aming Diyos, para sabihin sa amin na hindi kami dapat pumunta sa Ehipto upang manirahan doon.

3Si Baruc na anak ni Nerias ang naghikayat sa iyo na ibigay kami sa mga taga-Babilonia upang patayin nila kami o bihagin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.