3Si Baruc na anak ni Nerias ang naghikayat sa iyo na ibigay kami sa mga taga-Babilonia upang patayin nila kami o bihagin.”
4Kaya si Johanan na anak ni Karea at ang mga kasama niyang opisyal ng mga sundalo at ang lahat ng mamamayan ay hindi sumunod sa utos ng Panginoon na manatili sila sa Juda.
5Sa halip, dinala ni Johanan na anak ni Karea at ng mga kasama niyang opisyal ng mga sundalo ang mga natirang taga-Juda na nagsibalikan sa Juda mula sa ibaʼt ibang bansa na pinangalatan nila. Kabilang dito ang mga lalaki, babae, bata,
6at mga anak na babae ng hari na ipinagkatiwala ni Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya kay Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan. Dinala rin nila sina Propeta Jeremias at Baruc na anak ni Nerias.
7Hindi sila sumunod sa Panginoon, talagang pumunta sila sa Ehipto, at nakarating sila sa lungsod ng Tapanhes.