6at mga anak na babae ng hari na ipinagkatiwala ni Nebuzaradan na pinuno ng mga guwardiya kay Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan. Dinala rin nila sina Propeta Jeremias at Baruc na anak ni Nerias.
7Hindi sila sumunod sa Panginoon, talagang pumunta sila sa Ehipto, at nakarating sila sa lungsod ng Tapanhes.
8Doon sa Tapanhes, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,
9“Habang nakatingin ang mga taga-Juda, kumuha ka ng malalaking bato at ibaon mo sa lupa sa gitna ng daan papasok sa palasyo ng Faraon sa Tapanhes.
10Pagkatapos, sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘Susuguin ko ang lingkod kong si Haring Nebucadnezar ng Babilonia at ilalagay ko ang kanyang trono at toldang panghari sa ibabaw ng mga batong ito na ibinaon ko sa lupa sa gitna ng daan.