15Bakit nakadapa ang inyong mga kawal? Hindi sila makakatayo, sapagkat itutumba sila ng Panginoon.
16Madadapa at mabubuwal sila nang paulit-ulit. Sasabihin nila, ‘Bumangon tayo at bumalik sa ating mga kababayan at sa lupaing sinilangan natin, upang makaiwas tayo sa espada ng ating mga kaaway.’
17Doon ay sasabihin nila, ‘Ang Faraon na hari ng Ehipto ay magaling lang sa salita, at sinasayang lang niya ang mga pagkakataon.’
18“Ako, ang buháy na Hari,” sabi ng Panginoon, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo. “Isinusumpa kong mayroong sasalakay sa Ehipto na nakahihigit sa kanya, katulad ng Bundok ng Tabor sa gitna ng mga kabundukan o ng Bundok ng Carmel sa tabi ng dagat.
19Kayong mga mamamayan ng Ehipto, ihanda na ninyo ang inyong mga dala-dalahan sapagkat kayo ay bibihagin. Mawawasak ang Memfis, magiging tiwangwang ito at wala nang maninirahan dito.