23Papatayin nila ang mga taga-Ehipto na parang pumuputol lang ng mayayabong na mga punongkahoy,” sabi ng Panginoon. “Ang mga kaaway na itoʼy mas marami kaysa sa balang na hindi mabilang.
24Mapapahiya ang mga taga-Ehipto. Ibibigay sila sa mga taga-hilaga.”
25Patuloy pang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Parurusahan ko na si Amon, ang diyos-diyosan ng Tebes, at ang iba pang mga diyos-diyosan ng Ehipto. Parurusahan ko rin ang Faraon pati ang mga tagapamahala niya, at ang mga nagtitiwala sa kanya.
26Ibibigay ko sila sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila – kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga pinuno nito. Ngunit darating din ang araw na ang Ehipto ay tatahanan ng mga tao katulad noong una,” sabi ng Panginoon.
27“Kaya huwag kayong matatakot, o manlulupaypay man, kayong mga lahi ni Jacob na aking lingkod. Sasagipin ko kayo mula diyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.