Jeremias 46

Kaya huwag kayong matakot, kayong mga lahi ng lingkod kong si Jacob, sapagkat akoʼy kasama ninyo,” sabi ng Panginoon. “Kasama ninyo ako at ililigtas ko kayo. Lubusan kong wawasakin ang mga bansa kung saan ko kayo ikinalat ngunit hindi ko ito gagawin sa inyo. Ngunit hindi rin ito nangangahulugang hindi ko kayo parurusahan. Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”

Jeremiah 46:28 (UKJV) Fear you not, O Jacob my servant, says the LORD: for I am with you; for I will make a full end of all the nations where I have driven you: but I will not make a full end of you, but correct you in measure; yet will I not leave you wholly unpunished.

26Ibibigay ko sila sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila – kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga pinuno nito. Ngunit darating din ang araw na ang Ehipto ay tatahanan ng mga tao katulad noong una,” sabi ng Panginoon.

27“Kaya huwag kayong matatakot, o manlulupaypay man, kayong mga lahi ni Jacob na aking lingkod. Sasagipin ko kayo mula diyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.

28Kaya huwag kayong matakot, kayong mga lahi ng lingkod kong si Jacob, sapagkat akoʼy kasama ninyo,” sabi ng Panginoon. “Kasama ninyo ako at ililigtas ko kayo. Lubusan kong wawasakin ang mga bansa kung saan ko kayo ikinalat ngunit hindi ko ito gagawin sa inyo. Ngunit hindi rin ito nangangahulugang hindi ko kayo parurusahan. Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.