Jeremias 47

Nagtatanong kayo kung kailan ko ititigil ang pagpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng espada ng Panginoon. Sinasabi ninyong ibalik ko na sa lalagyan ang aking espada at pabayaan na lang kayo.

Jeremiah 47:6 (UKJV) O you sword of the LORD, how long will it be before you be quiet? put up yourself into your scabbard, rest, and be still.

4Sapagkat darating ang araw na wawasakin ang lahat ng Filisteo pati ang mga kakampi nila na tumutulong sa kanila mula sa Tiro at Sidon. Wawasakin ng Panginoon ang mga Filisteo. Ito ang mga taong mula sa Caftor.

5Ang mga taga-Gaza ay magpapakalbo, tanda ng kanilang pagluluksa, at ang mga taga-Ashkelon ay tatahimik sa kalungkutan. Kayong mga mamamayan sa kapatagan, hanggang kailan ninyo susugatan ang inyong sarili upang ipakita ang inyong kalungkutan?

6Nagtatanong kayo kung kailan ko ititigil ang pagpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng espada ng Panginoon. Sinasabi ninyong ibalik ko na sa lalagyan ang aking espada at pabayaan na lang kayo.

7Ngunit paano ito mapipigil kung inutusan na ito ng Panginoon na salakayin ang Ashkelon at ang mga naninirahan sa baybayin ng dagat?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.