8Darating ang manlilipol sa bawat bayan at walang bayang makakaligtas. Mawawasak ang mga bayan sa lambak at talampas. Mangyayari ito dahil sinabi mismo ng Panginoon.
9May pakpak sana ang Moab upang makalipad siya papalayo, dahil wala nang kabuluhan ang mga bayan nito at wala nang maninirahan dito.
10“Sumpain ang taong pabaya sa paggawa ng gawain ng Panginoon! Sumpain ang taong hindi papatay sa mga taga-Moab.
11“Tahimik ang pamumuhay ng Moab mula pa noon. Hindi pa ito nakaranas ng pagkabihag. Para itong alak na hindi nagagalaw sa kanyang sisidlan, at hindi isinalin sa ibang lalagyan. Ang lasa nitoʼy nanatiling malinamnam, ang amoy rin ay hindi nagbabago.
12Ngunit darating ang araw na isusugo ko ang aking mga kaaway,” wika ng Panginoon, “upang ibuhos ang Moab mula sa kanyang lalagyan at pagkatapos ay babasagin ang lalagyan nito.